No Boyfriend Since Birth

I’m already 19 years old, and yes i am a certified NBSB. NO BOYFRIEND SINCE BIRTH. I really don’t know why, pangit ba ko? hahaha. Pero kasi hindi ako ng mamadali e, minsan sa barkada namin ako lang ung single lahat sila “in a relationship”. Hindi ako man hater or what, hindi rin ako tomboy. Pero ewan ko kasi siguro mas enjoy ako na walang iniintindi maliban sa sarili ko. Natatawa na lang ako pag yung mommy ko nirereto ako sa iba. Hindi kasi ako ng hahanap. Oo nagmahal na ko dati pero matagal na 4 or 5 years ago pa, pero naka move on na ko dun. 

Pero minsan napapaisip din ako e, ano kaya yung ako kung  may boyfriend na ko, sino kaya yung magiging ako kung may bf na ko. Mag babago kaya ako. Minsan malungkot maging single, walang ng ccare kayo maliban na lang sa mga kaibigan at family mo. Minsan ng hahanap rin ng isang tao na yung kayo lang yung nagkakaintidihan. Yun ang masaklap sa single wala kang ka i love you-han, yung tipong pag gising mo sa umaga may “good morning honey” kang text msg. 

Pero naisip ko ako rin naman ang pumili nito e, single muna kasi may mga bagay na kailangan handa ka para pag binigay na ni Lord suave na yung daloy ng mundo mo. Masarap yatang main love. Hindi kasi ako pang syota e, Pang GIRLFRIEND AKO. Ayoko ng short term, mas gusto ko ang Long term. Isa pa sa mga nakikita kong dahilan e medyo perfectionist kasi ako, yan ang sabi ng kapatid ko kaya mahirap akong pumili ng tao. Honestly totoo parang isang perfect MAN ang gusto ko. Pero sabi nga ng mommy ko walang ganon. Alam ko na in Gods time darating din sya yung unang lalaking tatawagin kong MY FIRST BOYFRIEND (and sana last) .